ojt summer ends
4th yr 1st sem begins
at kung the time of my life last year
no boundaries naman ang kanta this year
eto ang theme song ng san miguel ojt memories
at eto na rin ang transition song papunta sa 1st sem
Seconds hours so many days
You know what you want but how long can you waitEvery moment lasts forever
When you feel you've lost your way
What if my chances were already gone
I started believing that I could be wrong
But you gave me one good reason
To fight and never walk away
So here I am still holding on
With every step you climb another mountain
Every breath it's harder to believe
You'll make it through the pain
Weather the hurricanes
To get to that one thingJust when you think the road is going no where
Just when you almost gave up all your dreams
They take you by the hand and show you that you can
There are no boundaries
There are no boundaries
Don't know where the future's headed
Nothing's gonna bring me down
So here I am still holding on1.You know what you want but how long can you wait.
--->nung nag-oojt, alam ko kung anong gusto ko. gusto ko na matapos sa ojt.
pero ngayong magsisimula na ang 1st sem, naisip ko na
hindi ko na alam ngayon ang gusto ko.
2.To get to that one thing.
--->4th year nako at marami pakong hindi nagagawa sa buhay ko.
DL, maturity, girlfriend, at kung ano man
buong college ko na silang inasam at sinubukang abutin
pero hanggang ngayon wala pa rin talaga
at oo ngayon masasabi ko na umabot nako sa point na suko na talaga
mukhang sadyang malas lang talaga, o kaya hindi lang talaga napapanahon
ganito yata talaga ang takbo ng buhay ko
pag pilit na inaabot, mas lalong hindi nakukuha
hanggang sa darating sa puntong tama na, suko na
3.So here I am still holding on.
--->suko na, ngunit patuloy pa rin akong naniniwala at umaasa
sa 'Save the best for last'
may bagong kanta ang black eyed peas na nalss ako...
"I gotta feeling, that tonight's gonna be a good night"
at sa totoo lang, wala talaga akong feeling na etong sem na ito ay magiging good sem
nabanggit ko na sa isang dating blog entry na hindi ko nilu-look forward ang sem na ito
wala akong nakikitang pag-asa, o kaya isang bagay na may posibilidad na makakapagbago ng kapalaran ko
kasabay nito, isa-isa na ring mauubos ang mga araw, hanggat sa darating ang araw ng pagtatapos
ngunit sa kabila ng lahat ng pessimism na ito,
may boses pa ring nagsasabi sakin na
'in the end, it's gonna be alright'
baka para sa iba, isang kaduwagan itong pagsukong ito
pero sasabihin ko namang dumaan na ako sa panahong sinubukan ko silang makuha
at marahil ngayon
panahon naman para tumigil, magmuni-muni, at makisabay sa daloy ng buhay
kumbaga, talagang nakatadhana lang na sa huli ko pa mararanasan ang lahat
ng mga pinangarap ko sa 3 taon ng kolehiyo
ano ang dahilan?hindi ko alam
sadyang ganoon lang talaga siguro
kanya-kanyang buhay naman sa mundo
kanya-kanyang karanasan
kanya-kanyang mga realisasyon at aral na natututunan
do your best, and God will do the rest
malabo pero, sa tingin ko sa awa ng Diyos sakin, ibibigay din niya ang lahat ng ito
nga lang, makukuha ko siguro ang mga ito kung kailan hindi ko na sila ganoon kagusto
at marahil pagdating ng araw na iyon, mas masarap yung pakiramdam
dahil may aspeto ito ng pagka- "Sa wakas"
dahil may pinagdaanang hirap, kalungkutan, at disappointment
dahil may journey
at hindi lang basta-basta nakuha ng ganon-ganon lang
So here I am still holding on.
bukas na ang last 1st sem ng kolehiyo.
ano pa bang magagawa ko
ginawa ko na ang lahat
ang nalalabi na lang ay
sulitin ang kahuli-hulihang taon
bale-walain ang mga pagbabakasakali
at wag palampasin ang mga pagkakataon
save the best for last.
make the most out of it.
nothing to lose.
college,
ngingitian na lang kita :)
at alam kong matagal mo na rin akong nginingitian
matagal mo na akong inaasar
matagal mo na akong hinihintay
eto ang sasabihin ko sayo
hindi ko alam kung handa na ako
pero ang alam ko
kaya ko yan.