Wednesday, December 31, 2008

2009

happy new year.
happy new attitude.
happy new heart.

get yourself up and
FINISH STRONG.

-fr. nonette

Tuesday, December 30, 2008

happy 5th birthday julian

hindi ko alam bakit pero
may emotional connection
ako sa batang 'to.

shake rattle and roll X

and the 'pagsasayang ng pera' tradition continues.

barkada time.

left4dead = bomber bomber haha

Monday, December 29, 2008

one night only

"wala ng pokpok ngayon.
may dalawang tao lang sa mundo ngayon:
yung napag-iiwanan
at yung tigang."

:/

backouters day

today was

Sunday, December 28, 2008

slex

when was the last
pinadrive ako pauwi ng tatay ko galing los banos
pressure pressure pero
:]

Thursday, December 25, 2008

abaño family reunion

christmas is our time of the year.

sobrang saya lang talaga.
hindi maipaliwanag ng salita.

indeed
this is the only place where
i really belong.

so happy.
so grateful.
so lucky.

to be part of the abaño family.
salamat lord
:]

Tuesday, December 23, 2008

tuesday driving

kanina narealize ko
na hindi na kumpleto araw ko kung di ako nagdadrive

kahit pag may pasok naiisip ko minsan na
ang routine ng buhay ko
at kasama na doon yung pagdadrive mag-isa papuntang school at pauwi
at pakikinig ng music na malakas volume

naging parte na rin pala talaga ng buhay ko ang pagdadrive

hinahanap ko yung bilis
yung reckless driving paminsan
yung lamig ng hangin lalo na ngayong december
yung sarap ng pagkanta nang bigay na bigay

so far nagiging boring na ang xmas break kahit marami namang pwedeng magawa sa bahay
ayoko yung feeling ng pagiging stuck sa bahay
gusto ko sana lumabas pero for the past days may humihiram ng kotse
at walang naiiwan sa bahay

kaya kanina nung binalik yung kotse
sakto magsisimbanggabi din ako
nagdrive ako papuntang ateneo at sa gesu nagsimba

nabuo araw ko kahit papano

masarap magdrive.
may pangangailangan akong natutugunan ng pagdadrive na hindi ko mapaliwanag

nga lang hanggang automatic na lang yata kaya ko haha :/

oh well
24 na bukas at 24-28 mukhang puro party na
marahil hindi ko na mararamdaman ang boring sa mga susunod na araw

Sunday, December 21, 2008

the new lib

ang nerd pero
excited ako sa new lib
goal daw december next year magbubukas
tagal pa...
4th year 2nd sem na yun :|
graduate na halos yun.
shet

naaaliw ako e
tapos pinag-isipan ko bakit

kumbaga parang nung 1st year
bago yung matteo
tapos napamahal ako sa matteo
naging tambayan
maraming memorable na mga bagay ang nangyari sa lugar na yun
parehong masaya at masaklap
tapos unti-unti kong kinainisan yung matteo
dahil sa ibang tao
at hindi na rin ako makaaral dun
kaya lumipat ako sa lib

nung una "pantulog" lang talaga yung lib
hanggang sa tumagal
napamahal na rin ako sa lib
hindi ko namalayan na araw-araw lagi na lang akong nasa lib
minsan may kasama
madalas mag-isa
at naging sunod-sunod yung mga araw na umuuwi nako lib 2nd floor closing time (730)

minsan malungkot kung iisipin
pero nung tumagal nasanay din
at pakiramdam ko parang talagang naging teritoryo ko na yung lib
inangkin ko na siya
iniiwan ko na lang gamit ko dun
may cubicle table spot nako dun
at madalas natiyetiyempuhan ko yung saksakan para sa laptop ko
pakiramdam ko minsan dun nako nakatira
at hindi kumpleto yung araw na hindi ako pumapasok sa lib
hindi na talaga ako makakaaral kung hindi sa lib
kahit halos lahat ng classrooms ko ctc o som
sa lib ko pa rin iniiwan gamit ko at nag-aaral

natutuwa lang ako na magkakaron ng bagong lib kasi
natutuwa ako para sa lib
natutuwa ako na magkakaron siya ng bagong itsura
magiging mas malaki at mas hi tech na siya
magiging mas sobrang astig na talaga siya kaysa sa matteo (dapat!)
sabi sa guidon 5 floors daw yung new lib at eto ang magiging pinakamataas na building sa campus
bago mga computers lahat lahat
at magkakaron din ng mga group discussion rooms na siguro parang sa matteo

sa huli naisip ko
natutuwa ako para sa lib
na aasenso siya
pero siguro dahil umabot sa point na naassociate ko na rin yung lib sa sarili ko
parang natutuwa na rin ako para sakin

at naaaliw lang siguro talaga ako sa konsepto ng pagbabago nga
na nung 1st year bago yung matteo
tas next year bago naman yung new lib
kumbaga parang patunay yun na lumilipas talaga lahat
yung mga ibang freshman next year ang marahil gagawing tambayan naman ang new lib
habang ako at ang ibang mga 4th year next year ay kailangan namang maggraduate at maggive way sa mga bagong estudyanteng sisimulan pa lang ang kanilang life-changing college experience

there are places i remember
all my life
naaalala ko lagi tong beatles song nato pag nagrereflect ako tungkol sa mga lugar
ang mga lugar ay hindi lang mismo mga lugar
lahat sila may mga alaalang kaakibat
at yung mga alaalang yun ang dahilan kung bakit napapamahal sa'yo ang isang lugar

well wala naman talaga akong "masayang" alaala sa lib
malamang bawal mag-usap dun kaya wala naman talagang mga bonding bonding na nagaganap sa loob
pero sa tingin ko
maalala ko yung lib kasi
binago ako ng lib

marami akong mga bagay na natutunan dahil sa lib o dahil sa pag-aaral ko sa lib
at ang pinakaimportante na siguro sa lahat ng natutunan ko ay ang pagiging independent
tinuruan ako ng lib na huwag umasa sa iba masyado
at narealize ko rin na dati pala talaga
masyado akong nakasandal sa iba
hindi gumagalaw buhay ko dahil hinihintay ko gumalaw yung iba bago ako magdesisyon
ngayon kahit papano umaasa pa rin ako konti
pero pakiramdam ko sa dulo, medyo ako na talaga ang nasusunod sa buhay ko
at malamang dapat lang ganon.

at sa pagtatapos ng bagong lib sa susunod na taon.
parang matatapos din ang bagong ako.
na nahubog ng apat na taon ng kolehiyo.

december 2009.
sabay gusto at ayaw ko makitang tapos ang new lib.
sabay gusto kong makitang magbago ang lib at sabay ayaw ko munang maggraduate na at magtrabaho.
bakit ayaw maggraduate?dahil masaya ang college?
hindi siguro haha
marahil dahil takot lang talaga.
takot pang makipagsapalaran sa tunay na mundo.

pero malamang
lilipas din ang oras.
at darating at darating din ang bukas.

pagbabago.
paano na lang ang buhay kung wala nito.

Saturday, December 20, 2008

balikbayan cousins


bonded with them today
"no boys/girls allowed"
masaya
haha
:D

simbang gabi = fail!

hindi ko na makukumpleto...
:[
dissapointing
pero tatapusin ko na lang din
for the sake of tapusin...

Sunday, December 14, 2008

simbang gabi

simbang gabi na bukas
sana makumpleto ko

when was the last
last time ko pa ata mga grade school
tas sumasama lang ako dahil
gusto ko ng putobongbong

ngayon magsisimbang gabi ako dahil
ewan
dahil gusto ko?
para may magawa naman akong bago sa buhay ko

anyway
simbang gabi nato!

Saturday, December 13, 2008

router

kinabit na naman yung router namin
meaning makakainternet na ulit ako kahit sa kwarto lang ako
hindi ko na kailangang pumunta sa computer room pa

and for the 1st night:
online ako buong gabi
naka-on lang yung laptop magdamag
hindi ako nakaligo
hindi ako nakatoothbrush
sabog.

hassle.
temptation na naman

discipline demet

Friday, December 12, 2008

:D

i just love this pic.

Monday, December 1, 2008

WOW

tagal ko nang di nakapagsulat dito haha

nakakatamad na e

well basta
marami kasing nangyayari

pero pag iniisip ko

ok nga e

kasi pag di ako nakakasulat dito

ibig sabihin may mas mga ok na nangyayari sa buhay ko

kaysa nasa bahay lang ako at nagcocomputer at nagbablog
e paulit ulit naman binablog ko
puro kalungkutan at kung ano man

nakakasawa na e

change
barack obama
yun na uso ngayon

anyway
ginagawa ko ngayon ay friendster
chinicheck ko kasi mga accounts ng mga pinsan ko sa probinsya
kasi kakagaling ko lang sa probinsya nitong long weekend at may reunion kami
kaya chinicheck ko friendster nila kasi wala silang multiply or facebook

pero anyway
ang ginagawa ko specifically ay
nagbubura ng mga friends sa friendster na hindi ko naman talaga kaibigan

at ang masasabi ko lang ay
MASARAP

masarap magbura ng friends sa friendster o sa kung sang mang networking na ewan
ng mga taong hindi mo talaga kaibigan
haha

til next time
baka sa susunod na blog xmas break na
marami pang requirements ang kailangang pagdaanan

goodluck na lang
CAREER!

Friday, November 14, 2008

drink

to all that we have lost
mistakes we have made

everything has changed.

but some things remain the same.

i thought
things would last forever.

but i learned
that nothing lasts forever.

but friendship remains the same.

Thursday, November 13, 2008

love song for no one

are you gonna stand there
or are you gonna help me out

we need to be together now.

I NEED YOU NOW.

masaya

kanina inupdate-an ako ng kaibigan ko tungkol sa buhay niya
at masaya ako para sa kanya
seryosong masaya ako para sa kanya
dati kumbaga pantay lang kami
ngayon asenso na siya

masaya ako para sa kanya
seryosong masaya ako para sa kanya

pero nung tumagal
naisip ko rin

kailan kaya dadating yung panahon
na hindi lang ako magiging masaya para sa iba

kailan kaya mangyayari yung
ako naman yung magiging masaya para sa sarili ko.

the world

is having more fun than me.

Wednesday, November 12, 2008

11/12/08

is
SSh Day.
hahaha

Monday, November 10, 2008

DL sem

for the past two 2nd sems
i've always had one D subject
botany in 1st year
accounting 35 in 2nd
the 2nd sem D curse...

it's time to turn that D sem
into a DL sem

career.
i can feel it.
this will be the time of my life.

Friday, November 7, 2008

start over.

how i met your mother
season 4 episode 6

so i got out of the cab
ready to say all of that stuff
ready to explode
but then
it all just went away
and that was it
at that moment
i wasn't angry anymore

i could see stella was meant to be with tony
kids you may think that your only choice is
to swallow your anger
or throw it in someone's face
but there's a third option
you can just let it go
and only when you do that is it really gone
and you could move forward
and that kids was the perfect ending to a perfect love story
it just wasn't mine
mine was still out there
waiting for me.

Wednesday, November 5, 2008

anywhere

i don't ______.

Friday, October 31, 2008

monochromatic

boring.
safe.
i think i'll start with that.
enough of blue.

Thursday, October 30, 2008

WWTL

kagabi may kinausap akong taong sobrang hindi ko na alam kung kailan kami last nag-usap
ang saya ng feeling
i guess back to zero/start from scratch ulit
siguro mas ok kung ganon talaga

kanina may ginawa akong bagay na may kinalaman sa possible future minoring na hindi naman dapat big deal pero ewan ko bakit sobrang nadilemma ako
ang takot ng feeling

narealize ko
ang safe ko talagang tao
takot akong kumawala sa comfort zone
takot akong maging mag-isa

kailangan ko tong baguhin
unti-unti

Tuesday, October 28, 2008

friendship rekindled.

rekindle
  1. To relight.
  2. To revive or renew.
may block man o wala
it doesnt matter

maybe it's time to be more than blockmates.
maybe it's time to be friends.

Friday, October 17, 2008

pat...

bat ang chamba mo!
BWAHAHAH
teacher's evaluation = awa.
haha

salamat lord!
salamat at pinagbigyan mo ko haha

Tuesday, October 14, 2008

ressentiment

ang problema mo
hindi ka kuntento na masaya ka

kailangan
hindi rin masaya yung iba.

Monday, October 13, 2008

ang smeg sem

ay hindi nagtapos nang ayon sa aking inaasahan.

C long tests.
F finals.
crammed projects.
sabog na orals.

ningas kugon talaga ako.

ngunit pagkatapos ng lahat.
sa aking palagay.
natapos pa rin ito nang tama.

dahil natapos ang smeg sem
na kasama ko ang mga kaibigan ko.

memorable sleepovers.
starbucks venti nights.
sa kwarto na sabay kulong at hindi kulong.

kar lyle.
miguel.

maraming salamat sa inyo.
paano na lang kaya kung wala kayo.

sana lang talaga
kumpleto pa rin tayo sa 2nd sem.

pero kumpleto pa rin yan.
the secret.

Wednesday, October 8, 2008

park facing the wall

"do you have a problem?!"

nasindak ako kanina
pero medyo tumapang naman nung huli haha

bat ang daming nangyayari sa petron parking lot???
experience...

moral lesson:
pag nasa tama ka
wag kang matatakot!
tangina mong tatay ka

Monday, October 6, 2008

takot

na naman ako.

wala talagang sem na natatapos
na hindi ko nararamdaman yung takot
at posibilidad

na baka matanggal ako.

kaso
iba na yung feeling ngayon.
hindi na ko puwede matanggal.

masyado nang sayang pag matanggal pa ko ngayon.

dampa

kanina after finance lt
kumain kami sa dampa

at may namiss kaming dalawang tao.

"txt mo sila kung puwede sila haha"
wishful thinking

something fishy memories.
:-<

Wednesday, October 1, 2008

mad

nobody's talking.
neither of us is listening.

what's even worse
i don't even remember why we're fighting.

i'm mad for nothing.
fighting for nothing.
crying for nothing.

but i won't let it go for nothing.

can we make up.
cause i've had enough.

i don't want to be mad at you.
i don't want you to be mad at me.

we've fallen into the place
where nobody's backing down.

what happened to working it out.

it's all for nothing.

i don't want to be mad at you.
i don't want you to be mad at me.
anymore.

Tuesday, September 30, 2008

i've had it

with being too desperate.

but then again
ang labo ng feeling.

i just want to leave this world for a while.

Saturday, September 27, 2008

SANA.

:D x 100.

if you can hold on...

hold on.

***
isa-isa nang nauubos ang mga requirements.
isa-isa nang natatapos ang mga classes.

last 2 weeks.

sembreak.
i feel you more than ever.

Saturday, September 20, 2008

goddess

noun.
  1. A female being of supernatural powers or attributes
  2. An image of a female supernatural being; an idol.
  3. A woman of great beauty or grace.
I ADMIRE YOU....!
:D

Wednesday, September 17, 2008

about face.

Hey
If we can't find a way out of this
Then maybe we don't need this
Standing face to face
Enemies at war we build defenses
And secret hiding places

More than angry words I hate this silence
It's getting so loud
Well I want to scream
But bitterness has silenced these emotions

I remember not long ago
I used to cherish each moment with you
Now I don't live
I exist.
I just run through my life
So alone

Not looking for a miracle.
Just a reason to believe.

I might need you to say it's alright.
I might need you to make the first stand
.

inconsistent shit

useless magbasa ng libro...
PAG HINDI MO RIN NAMAN NAINTINDIHAN BINASA MO.

yep.
chamba nga lang ako.

Friday, September 12, 2008

The Parking Ticket Poem

Moral Lesson of the Day:

PAG HINAHANAP...
HINDI NAKIKITA.

P230.
PUTANGINA!

MASARAP TALAGA

MAGBASKETBALL.

Tuesday, September 9, 2008

PERFECT NATO

sa wakas.
dinapuan na rin ako nung
one last inspiration na hinihintay ko.

END THE SEM RIGHT.
BRING IT ON.
:D

Saturday, September 6, 2008

all these things that i've done

lss.current favorite song.

and may isang line sa song na to na gusto ko.

these changes ain't changing me.

change of heart ako ngayon.
change of mindset.

na hindi porket may mga masaklap na nangyayari
magbabago na ako

i mean oo
mababago talaga tayo ng mga nangyayari sa paligid natin
inevitable yun
pero mababago tayo in the sense na
matututo tayo
at mag-aadjust

at hindi yung magtatampo
at tatakas
at magkukunwaring parang walang nangyari
na parang bata

kung sino tayo
kung ano yung mga usually na mga pinaggagawa natin
hindi kailangan tumigil lahat yun
kailangang tuloy-tuloy pa rin

wag susuko
wag mahihinaan ng loob.

hindi madali
pero ganon talaga siguro

pag tama yata
mahirap talaga gawin

understand.
yun lang talaga.

hindi lahat ng tao may pare-parehong sistema ng pagpapahalaga.
hindi lahat ng tao mahilig sa forever
hindi lahat ng tao nasasayangan sa mga munting bagay tulad mo

at expectations.
hindi puwedeng pare-pareho expectations mo sa lahat ng tao.
hindi puwedeng mataas expectations mo sa lahat.

failure.
rejection.
pag na-ganon ka
edi
sige lang
basta sinubukan.

basta sinubukan.
yun lang talaga yung importante.

basta sinubukan.
hindi dapat masastuck
sayang oras pag nastustuck
sayang buhay

at madalas
kung kailan di mo pa inaasahan
dun pa nangyayari
dun pa dumadating

ganon nga yata talaga ang buhay

changes.
changes for the better.

Friday, September 5, 2008

jollibug

memories.
haha
pero why bother

what's the use.

***
pahabol edit
lss sa ending song sa gossip girl season 2 pilot

last night i fell in love without you.
in memory of what i used to call "in love"
in memory of when i used to call it love.

Thursday, September 4, 2008

di ko lam baket

pero kanina
after family midterms ko
may short break kami
kaya lumabas ako ng classroom namin
at tumakbo ako pababa ng first floor
para hanapin siya
at tanongin sana
kung kamusta yung test niya

pero wala na siya dun
hindi ko naabutan

natawa lang ako after
actually hindi after
natawa na ako agad
habang tumatakbo ako pababa ng hagdan

sinasabi ko sa sarili ko
bat ako tumatakbo haha
bat ako excited haha

nakakatuwa
malabo
pero nakakatuwa

hindi "like" e.
pero friend
slash concerned
slash curious
slash masaya

haha
:D

Wednesday, September 3, 2008

mag-isa.

napansin ko lang
na itong mga nakaraang araw
dumadalas ang pag-uwi ko sa bahay nang maaga

especially mga m w classes na philo lang class ko
tas uuwi ako agad

changes...

and why?

either
1. nagsisimula na rin akong magsawa sa monotony ng lib-caf-lib-classroom-lib
or
2. nawawala na yung "paiwan sa school for the sake of blockmate-bonding" feeling
pero yung number 2 yata yung mas tama

oh well
at least medyo nakakatipid na ngayon
ginagastos lang sa school ay lunch

nagiging loner na ako
ULIT
come to think of it
parang grade school haha
nakakatawa
sabay palagi sa school bus pagkadismissal
tas uwi

changes.

pero mas tama yatang salita ay "independent"

mag-isa.
alam ko dapat malungkot maging mag-isa
pero ewan parang nagiging manhid na e
sanayan lang talaga e

di ko alam kung nabasa ko somewhere
or may nagsabi sakin
or imbento ko lang

na "alone" is different from "lonely"
dati lonely ako
ngayon hindi e

lonely oo walang girlfriend etc. pero hindi exxag lonely e
medyo tanggap ko na nga na parang wala dito sa ateneo yung babaeng yun
medyo tanggap ko na baka after college pa talaga ako magkaka-gf
wala dito sa ateneo
puro maaarte dito

tsaka may girlfriend theory ako
magkakagirlfriend ka, kapag READY ka na.
at sa tingin ko hindi pa talaga ako ready
papunta na sa ready pero wala pa talaga dun
ang totoy totoy ko e
immature boy

kaya hindi talaga lonely
alone lang talaga
alone meaning loner meaning ok lang kahit may gawin ako na mag-isa lang ako
kahit wala akong kasama
kasi sanay na
kasi hindi lang talaga puwede yung iba
or kasi ayaw lang talaga nila
kaya ako na lang mag-isa

pero seryoso
hindi ito sad entry
napaisip lang talaga ako

parang ok nga e
at least ngayon masasabi ko hindi na rin talaga ako attached sa mga tao
hindi ko na ganong sobra hinahanap company ng blockmates
di katulad dati
na parang lahat ng gagawin ko
na halos lahat ng desisyon ko nakasalalay sa ibang tao
at least ngayon di na ganon
kung ayaw nila edi wag

at least ngayon pag may gusto akong gawin
like mag-aral at umuwi agad
kaya ko ng gawin
hindi yung tipong madidilemma pa ako kasi baka kung umuwi ako agad may mamimiss-out akong bonding moment or something

naaalala ko yung kantang i dont wanna miss a thing
...
at narealize ko
i'm not missing out on anything
pala

kaya in the end
medyo ironic
na yung mga taong nung una gustong gusto kong makasama
sila pa yung nagturo sakin ng value of independence
sila pa yung nag-udyok sakin na maging mapag-isa

at tama lang
dahil hindi dapat umaasa sa ibang tao

hindi dapat pinipilit ang mga bagay

kasi naisip ko
ako nga mismo ayoko pinipilit ako
ayoko hinahassle ako

kaya ang hypocrite ko pala
kung yung ibang tao pinipilit ko
tas maiinis ako sa kanila kung hindi sila puwede or ayaw nila

oh well
kung ayaw nila, ang importante sinubukan

hindi ako galit
minsan nasasayangan lang talaga ako.

at pahabol
para kay jeri favis
wala lang to. parang "for the record"

salamat sa yo.
ang bading pero
ikaw na lang yung kumbaga nagpapa "hindi pareho" ng mga araw ko
yung mga usap sa caf habang kain
yun na lang talaga e
yun na nga lang ata yung mga oras na yung utak ko hindi nag-iisip tungkol sa school
yun na lang yung mga moment na nagsasalita nga ako e
the rest of the day nag-aaral lang ako nang tahimik
at dahil mulat na ako sa katotohanan ng mga mabilis na pagbabago ng buhay

for the record lang
salamat
alam ko hindi naman din tayo habambuhay kakain sa caf at mag-uusap ng kung ano ano
kaya nagpapasalamat nako habang nasa moment pa haha

now back to studying finance.

at sembreak.
bawat araw na lumilipas mas nararamdaman kita.

WATDA

for some reason
NABURA ko yung b2006 folder ko sa cellphone
so much for high school friends text messages
hassle

Monday, September 1, 2008

i wonder what that's all about

and the hardest part
was letting go.

not taking part
was the hardest part.

i wish that i can work it out.

you really broke my heart.

Thursday, August 28, 2008

finally.

salamat ulit lord.
sa wakas umabot din.
and ironically,
yung sobrang pinagsisihan kong number ay
tama pala.
hahaha
hassle

SOBRANG SAYA!!!!
deep inside!!!
hahaha

Wednesday, August 27, 2008

hindi pag-ibig

hindi ito isang pagnanais na baguhin ang iniibig.
hindi nito sinusubukang ayusin ang kanyang minamahal.
wala itong pagnanais na ang iniibig ay maging ano mang iba sa kanyang kasalukuyan.

ang aking tahimik na pananatili sa pag-ibig ang paanyaya na
lumitaw ang meron pa.


ganito ang pag-ibig.

dahil ang pag-ibig ay pagkilala sa tunay na halagang taglay niya.


-Rodriguez ulit

good job

grabe
kaya pala.

salamat lord.
sana maulit pa.

Friday, August 22, 2008

CONFIDENCE interval

puta AMBOBO NG MALI KO!!!!!!!

at bat hindi ako makagetover?!?!?!
3 points lang naman?!?!?
E KASI GUSTO KO MAKA-A
KASI KAYA!!!
KASI KAILANGAN!!!
DAMN SELF-EXPECTATIONS

talent ko to e
CRYING OVER SPILLED MILK
ANG HASSLE NG FEELINGGGGGGGG

PAT ANO BA
TAPOS NA!!!
WALA KA NG MAGAGAWA!!!
tangina!

E SAYANG E!!!!!!
puta!

self-talk na naman
waaah

Wednesday, August 20, 2008

friends forever

vs. friends at the moment.

tangina
malas nga ata friends forever.

it's happening

again.

pero parang iba ngayon.

ngayon mas mabilis.
at mas malungkot.

nakakapagod na.

Friday, August 15, 2008

Amor Propio

a high degree of sensitivity so that one takes slight easily
is very intolerant of criticism and has easily wounded pride.
one so slighted will retaliate
or refuse to cooperate
or if the slight seems serious,
seek revenge.

empty

maybe i'm trying too hard.
maybe we're torn apart.
maybe the timing is beating our hearts.

selfish

you want to.
but then you realize...

they don't.

vice versa.

Wednesday, August 13, 2008

inspired

by cedric tiu
cool ka talaga
jerk oo
pero cool haha

napaisip lang ako pano kung hindi ka nag US
baka ikaw talaga ang makakapagunite sa block after all

fucking bored with my routine life.

december ulit
cantina tradition
may promise pa kay ced na dapat tuparin haha

ingat at goodluck sa sexcapades ng buhay ced haha

Saturday, August 9, 2008

free fallin

wanna free fall
out into nothin.
gonna leave this world for a while.

Friday, August 8, 2008

about face.

i have the power.

at grabe.
ang sarap mong snob-in.

Wednesday, August 6, 2008

mrs. speedo...

have you seen the real big ben?

repeat after me:
BIG
BEN
IS
BIG


hahahaha

kailan

ako lalaya
sa anino ng
pag-iisa.

Saturday, August 2, 2008

please

that's enough.

SERYOSO
ANG LABO MO.

i've said this a million times.
and i'm sick.
...

I HATE YOU.

jealousy

is all the fun that you think they had.

isang vandal sa upuan sa finance classroom ko.
astig.

pero naisip ko...
bakit pa may "think"
kasi pag "think" edi ibig sabihin "akala"
meaning hindi talaga nangyari...

E NANGYARI E.

jealousy is all the fun that you think they had.

eto yung mas tama.
eto yung mas masakit.

Friday, August 1, 2008

Monday, July 28, 2008

dream day

it's been a year since that dream.
and i realized that

i'd rather hate you.
but remember.

than don't care about you at all.
and forget.

Saturday, July 26, 2008

Wednesday, July 23, 2008

Monday, July 21, 2008

start over

palagi dumadating sa point na tinatamad na naman mag-aral
na yung determinasyon nung simula ng sem
lahat ng mga "the secret" self-talk ko nakakalimutan na lang
at bumabalik sa dating katamaran
at pagiging late
at pagwa-ym! i don't know why! i hate ym! (invisible jeri favis is partly to blame haha)

pero bumabalik ulit sa point na
after ng mga stressful cramming days and nights
mediocre homeworks
at failing long tests

ayoko na ulit.
at magkakaron na naman ng panibagong apoy

nasayang ko ang OR LT 1 at pati na rin siguro ang FIN lt 1 dahil lang hindi ako nag-aral ng advance

kaya mag-aaral na ulit ako
starting now.
july 21

Friday, July 18, 2008

you and i

we can do this forever.
-joker

ENDURE.

You can be the outcast.
You can make the choice that no one else will face.
The right choice.

Wednesday, July 16, 2008

i thought it would be easy

but i was wrong.

i didn't know why.
i didn't know what to do.

but i did know one thing.

it hurt like fucking hell.

maging kayo na lang.
para tapos na.

Saturday, July 12, 2008

hey oh

the more i see
the less i know

the more i'd like to let it go.

Wednesday, July 9, 2008

never again

kanina rin may mga bagay na nangyari
basta na lang kung ano yung mga bagay na yun

basta yung mga nangyaring mga yun
nangyari na sila dati
hindi naman saktong-sakto
pero parang ganon na rin
parehong "pangyayari"
pero iba lang yung mga taong involved

pero anyway
ang punto ko lang naman ay

kanina naulit yung pangyayari

PERO

hindi naulit yung reaksyon ko
hindi ko na pinatulan yung pangyayari

hindi naging madali yung hindi pagpatol sa pangyayari
parang ang dali-dali na lang sanang mag-give in sa emotions
na magalit na lang at mainis at magtampo at mang-snob na naman ng mga tao
at hindi lang basta ng mga tao
kundi ng mga kaibigan


PERO
sabi ko nga

hindi ko pinatulan

as in nagself talk pako
sabi ko
"tangina pat.ano uulitin mo na naman ba yung dati?"
"ganito na lang ba palagi? hindi ka pa ba natututo?"

at pagkatapos ng pagmumuni-muni ko
sinagot ko yung mga katanungang iyan na gumambala sa puso't isipan ko

sinagot ko sila hindi sa pamamagitan ng pagsagot din gamit ng mga salitang walang katuturan
ng mga salitang sinasabi lang pero eventually nag-e-end up na hindi naman ginagawa
kundi
sinagot ko sila sa pamamagitan ng aksyon

hindi ko pinatulan
hindi ako nag-give in

NATUTO NAKO

narealize ko hindi talaga mawawala yung emotions
yung inis, o confusion, o yung watdafuck feeling
pero normal lang naman talaga siguro yun e
malamang kung hindi ka nakakaramdam ng ganon edi manhid ka na talaga
hindi ka na tao


normal lang mainis
ang importante
kung ano yung gagawin mo pagkatapos mo mainis
ang daming puwedeng gawin
ang daming puwedeng maging reaksyon
but at the end of it all
you can always do the right thing

at yun nga ang ginawa ko
ginawa ko ang tama
at masaya nagtapos yung araw ko dahil dun

why do we fall bruce? so that we could learn to pick ourselves up again
. -tatay ni bruce wayne sa batman begins


we make mistakes for a reason. so that we could learn from them.

and i promised to myself
that i won't the same mistakes again

at masaya lang ako ngayon
IM SO PROUD OF MYSELF!

at good thing na to haha
kasi minsan lang ako maging proud sa sarili ko

at minsan ko lang din mahihiritan yung shadow ko ng
TANGINA MO haha

basta
no fear day + in your face feeling = happy, fulfilled, satisfied, grateful

no fear day

july 9 2008
today was no fear day
with my friend jeri favis.
bring it on matteo!

strength in numbers...
strength in friends...haha

Sunday, July 6, 2008

i still remember everything

sana lang ikaw din.

dreamy idealist

Dreamy Idealist (DI)

(Just visiting? Take the free personality test and determine your iPersonic type!)

Dreamy IdealistDreamy Idealists are very cautious and therefore often appear shy and reserved to others. They share their rich emotional life and their passionate convictions with very few people. But one would be very much mistaken to judge them to be cool and reserved. They have a pronounced inner system of values and clear, honourable principles for which they are willing to sacrifice a great deal. Joan of Arc or Sir Galahad would have been good examples of this personality type. Dreamy Idealists are always at great pains to improve the world. They can be very considerate towards others and do a lot to support them and stand up for them. They are interested in their fellow beings, attentive and generous towards them. Once their enthusiasm for an issue or person is aroused, they can become tireless fighters.

For Dreamy Idealists, practical things are not really so important. They only busy themselves with mundane everyday demands when absolutely necessary. They tend to live according to the motto “the genius controls the chaos” - which is normally the case so that they often have a very successful academic career. They are less interested in details; they prefer to look at something as a whole. This means that they still have a good overview even when things start to become hectic. However, as a result, it can occasionally happen that Dreamy Idealists overlook something important. As they are very peace-loving, they tend not to openly show their dissatisfaction or annoyance but to bottle it up. Assertiveness is not one of their strong points; they hate conflicts and competition. Dreamy Idealists prefer to motivate others with their amicable and enthusiastic nature. Whoever has them as superior will never have to complain about not being given enough praise.

As at work, Dreamy Idealists are helpful and loyal friends and partners, persons of integrity. Obligations are absolutely sacred to them. The feelings of others are important to them and they love making other people happy. They are satisfied with just a small circle of friends; their need for social contact is not very marked as they also need a lot of time to themselves. Superfluous small talk is not their thing. If one wishes to be friends with them or have a relationship with them, one would have to share their world of thought and be willing to participate in profound discussions. If you manage that you will be rewarded with an exceptionally intensive, rich partnership. Due to their high demands on themselves and others, this personality type tends however to sometimes overload the relationship with romantic and idealistic ideas to such an extent that the partner feels overtaxed or inferior. Dreamy Idealists do not fall in love head over heels but when they do fall in love they want this to be a great, eternal love.

Adjectives which describe your type

introverted, theoretical, emotional, spontaneous, idealistic, dreamy, effusive, pleasant, reserved, friendly, passionate, loyal, perfectionist, helpful, creative, composed, curious, obstinate, with integrity, willing to make sacrifices, romantic, cautious, shy, peace-loving, vulnerable, sensitive, communicative, imaginative

These subjects could interest you

literature, philosophy, psychology, music, art (museums), writing, drawing/painting, astrology, spiritual things, meditation, handicrafts, writing, voluntary work

Saturday, July 5, 2008

july 4 part 4

took all of my wasted honor
every little past frustration
took all of my so-called problems
and put them in quotations

i said what i needed to say

walking like a one man army
fighting with the shadows in my head
living out the same old moment
knowing I'd be better off instead
if i only could

say what I need to say

i had no fear for giving in
i had no fear for giving over
i knew that in the end

it was better to say too much
than never to say what i needed to say

Even if my hands were shaking
and my faith was broken
even as my eyes were closing
i did it with a heart wide open

i finally said what i needed to say.
we finally said what we needed to say.

at pagkatapos ng lahat ng nangyari
pagkatapos ng lahat ng mga pagkakamali
sinisiguro kong hindi na to kailanman mauulit
hindi lang sa kanya
kundi sa kahit kanino

hindi kailangang masira ang pagkakaibigan dahil lang sa mga mabababaw na dahilan
lahat ng bagay puwedeng maayos
basta kailangan lang pag-usapan

at pagkatapos ng lahat ng nangyari
sinisigurado kong di na to mauulit
dahil natuto nako

di nako ulit magsasayang ng oras at ng buhay.
di nako magsasayang ulit ng pagkakaibigan.
kahit kailan.


july 4 part 3

when was the last moment

nanod akong hancock kasama high school best friend ko
kaming dalawa lang.date.
last time namin ginawa to ay isang high school weekday at pinanod namin resident evil 2 ata
kahit na yung plano ay dapat barkada movie
at isa-isang nagbackout ang mga tao dahil hindi sila puwede
payag pa rin siya na ituloy namin
kasi pinilit ko rin talaga na ituloy kasi sabi ko starting next week busy na.lt na every week.

namiss ko rin talaga si ronan
namiss ko yung may kaibigan ka na alam mong game sa lahat
yung alam mong kahit kayong dalawa na lang maiwan wala siyang pakialam
kahit kayong dalawa na lang maiwan, alam mong hindi ka niya iiwan

at kahit may tama ako habang kasama ko siya
kahit medyo marami akong sablay moments
tulad na lang nung sinabi ko sa kanya pagdating namin sa gateway na kailngan ko magwithdraw dahil ubos na pera ko at wala nakong panghancock
tas sinabi niya sakin na "gago nagwithdraw ka na kanina sa som mall niyo"

sobrang saya ko na may kaibigan akong tulad ni ronan
congrats na lang sa kanya dahil officially sila na ng girlfriend niya haha

at hanggang may mga movies na panget o mukang panget na pwedeng pagtawanan
manonood at manonood kami ng sine
magyayaya at magyayaya ako kahit anong mangyari

again another event na may kinalaman sa friendship
ultimate friendship day ata tong araw nato

july 4 part 2

hello my friend
we meet again
it's been awhile
where should we begin

feels like forever.

within my heart are memories.
oh i remember.

we've seen our shares of ups and downs
how quickly life can turn around
in an instant

it feels so good to reunite
within myself and within my mind

i'll have peace now.

i just want to say hello again

my sacrifice.

july 4 part 1

again.
things happen for a reason.

hindi ako kumakain or umiinom ng kahit ano sa umaga bago pumuntang school.
ginagawa ko lang ay gising tas ligo tas punta ng school

pero nung july 4 ng umaga
for some reason
uhaw na uhaw ako nung umaga
kaya uminom ako ng isang baso ng tubig bago umalis

at kung hindi sana ako uminom ng tubig...

hindi ako maiihi after philo
hindi ako magsi-cr sa cr malapit sa chapel (isang cr na never ko pinupuntahan)

at hindi ko sana makakasabay sa cr na yun

ang isang kaibigang matagal ko na ring hindi nakakausap at nakakasama
dahil iba na ang mga schedule
at hindi ko na rin kasi siya nahahatid sa bahay tulad ng dati

pareho kaming walang kasama
kaya sabay na lang kaming kumain sa caf
at di nagtagal nauwi sa isang spontaneous gateway adventure ang destiny moment na pagkikita namin

salamat mon
nakatulong din talaga yung pagpunta natin sa gateway
kahit nagarcade lang naman tayo
at nagtekken with the real bob at nagrebecca

nakatulong yung bonding moment e for some reason
mas lalong lumakas yung loob ko na ituloy yung balak kong gawin sa hapong yun

dahil dun sa bonding moment
narealize ko na worth it talaga ibalik ang pagkakaibigan
na kahit hindi na kayo kasing-close ng isang kaibigan mo tulad ng dati
hindi pa rin nagbabago yung katotohanan na magkaibigan pa rin kayo
at kailangan lang talaga may umeffort
kailangan lang talaga wag palampasin ang mga pagkakataon

magpapractice nakong baek pag lumabas na tekken 6
pero alam ko sa november pa yun yata kaya medyo matagal pa haha

pero salamat ulit talaga
sana masurpass mo na ulit si charles chua soon haha
next time ikaw na yung magte-"tekken rule" kay the real big bob kasi na 2-0 mo siya haha

july 4 2008

one of the longest days ever.
one of the best days ever.
one of those days that i'll remember forever.

Thursday, July 3, 2008

crush

kaklase ko sa family elective
maganda siya
lalo na pag ngumingiti
siya na yung pinakamaganda, pinakamabait, at pinakaattentive sa lahat ng mga babae dun

at crush ko siya
hahaha

naaaliw lang ako
kasi matagal ko na atang di naeexperience tong crush feeling
specifically yung crush feeling dahil nacucute-an ako
hindi yung "crush" feeling na naging crush mo dahil napaisip ka dahil masaya siya kasama (hassle)

oo crush ko ata talaga siya
at hindi imbe-imbento lang
kasi pag tumatawa siya or napapangiti
napapangiti rin ako sabay look away para di naman halata na kaya ako natuwa dahil sa kanya
at sinasabi ko na lang sa sarili ko na
"shet.ang ganda mo talaga."

kaya kahit 3 oras ng guidance at art class combined yung elective ko
at least ngayon parang kahit papano
magiging something to look forward to na siya
hahaha

pero siyempre
"but it's time to face the truth. i will never be with you."

cool siyang babae at mayaman at maarte.

different worlds.

tulad ng dati.

Wednesday, July 2, 2008

kanina

narealize ko na talagang bigla akong dumadaldal pag kasama at kausap kita
masaya kang kasama kasi lagi kang tumatawa sa mga hirit ko
kahit corny
kahit malabo
kahit pilit

pero kanina narealize ko rin
na talagang mas ok na kaibigan lang talaga

kasi nung summer na napaisip ako sayo
nagkaron ako ng expectations
bigla na lang akong naging maingat
bigla ko na lang iniisip lahat ng sasabihin ko sayo
at nung naging maingat ako
biglang hindi naging masaya
biglang corny na

kanina
narealize ko ulit bakit masaya kang kasama

kasi isa kang kaibigan na laging tumatawa.

Tuesday, July 1, 2008

things happen for a reason.

matteo steps.
talo.
talong-talo.

jeri favis wasn't there.
hassle.
haha

Monday, June 30, 2008

season 3

tinapos ko how i met your mother season 3 ngayong araw sa library hanggang magsara yung lib up

5 episodes yung paborito ko sa season na to

1. bad habits episode ---> kung kaibigan mo talaga, matatanggap mo rin mga negative traits nila
2. general knowledge episode ---> friendship is an automatic thing
3. platinum rule episode ---> kailangang kalimutan eventually ang anger at resentment at magmove-on
4. nag-away si ted at barney episode ---> tinraydor ni barney si ted
at
5. nagbati si ted at barney episode ---> can we be friends again? -barney

next time ko na lang popost yung mga lines na astig

bro code.
guilty time na naman ako ngayon

pinapaisip talaga ako ng series nato
and to think na gusto ko how i met hindi dahil sa comedy
pero more on sa kwento talaga
nakakainspire

kwento ng mga magkakaibigan na kahit anong problema dumating sa buhay nila
kahit magkaaway-away na silang lahat
magkakaibigan pa rin sila

sana ganon din mga kaibigan ko.
sana ganon din akong klaseng kaibigan.

Sunday, June 29, 2008

una

unang post
ginawa ko to para makareply sa mga blog posts ni guypattersonreturns
at balak ko rin siguro
na magsulat dito ng mga random kung ano ano

pero hindi ko balak ipagkalat to
kasi iba rin siguro yung feeling na nagsusulat ka para sa sarili mo lang
at di katulad sa multiply na magcocomment mga tao
tapos di mo alam ano rereply sa cinomment nila

balak ko tong gawin pag may oras

pero oo nga pala
laging may oras

the secret

Blog Archive