napansin ko lang
na itong mga nakaraang araw
dumadalas ang pag-uwi ko sa bahay nang maaga
especially mga m w classes na philo lang class ko
tas uuwi ako agad
changes...
and why?
either
1. nagsisimula na rin akong magsawa sa monotony ng lib-caf-lib-classroom-lib
or
2. nawawala na yung "paiwan sa school for the sake of blockmate-bonding" feeling
pero yung number 2 yata yung mas tama
oh well
at least medyo nakakatipid na ngayon
ginagastos lang sa school ay lunch
nagiging loner na ako
ULIT
come to think of it
parang grade school haha
nakakatawa
sabay palagi sa school bus pagkadismissal
tas uwi
changes.
pero mas tama yatang salita ay "independent"
mag-isa.
alam ko dapat malungkot maging mag-isa
pero ewan parang nagiging manhid na e
sanayan lang talaga e
di ko alam kung nabasa ko somewhere
or may nagsabi sakin
or imbento ko lang
na "alone" is different from "lonely"
dati lonely ako
ngayon hindi e
lonely oo walang girlfriend etc. pero hindi exxag lonely e
medyo tanggap ko na nga na parang wala dito sa ateneo yung babaeng yun
medyo tanggap ko na baka after college pa talaga ako magkaka-gf
wala dito sa ateneo
puro maaarte dito
tsaka may girlfriend theory ako
magkakagirlfriend ka, kapag READY ka na.
at sa tingin ko hindi pa talaga ako ready
papunta na sa ready pero wala pa talaga dun
ang totoy totoy ko e
immature boy
kaya hindi talaga lonely
alone lang talaga
alone meaning loner meaning ok lang kahit may gawin ako na mag-isa lang ako
kahit wala akong kasama
kasi sanay na
kasi hindi lang talaga puwede yung iba
or kasi ayaw lang talaga nila
kaya ako na lang mag-isa
pero seryoso
hindi ito sad entry
napaisip lang talaga ako
parang ok nga e
at least ngayon masasabi ko hindi na rin talaga ako attached sa mga tao
hindi ko na ganong sobra hinahanap company ng blockmates
di katulad dati
na parang lahat ng gagawin ko
na halos lahat ng desisyon ko nakasalalay sa ibang tao
at least ngayon di na ganon
kung ayaw nila edi wag
at least ngayon pag may gusto akong gawin
like mag-aral at umuwi agad
kaya ko ng gawin
hindi yung tipong madidilemma pa ako kasi baka kung umuwi ako agad may mamimiss-out akong bonding moment or something
naaalala ko yung kantang i dont wanna miss a thing
...
at narealize ko
i'm not missing out on anything
pala
kaya in the end
medyo ironic
na yung mga taong nung una gustong gusto kong makasama
sila pa yung nagturo sakin ng value of independence
sila pa yung nag-udyok sakin na maging mapag-isa
at tama lang
dahil hindi dapat umaasa sa ibang tao
hindi dapat pinipilit ang mga bagay
kasi naisip ko
ako nga mismo ayoko pinipilit ako
ayoko hinahassle ako
kaya ang hypocrite ko pala
kung yung ibang tao pinipilit ko
tas maiinis ako sa kanila kung hindi sila puwede or ayaw nila
oh well
kung ayaw nila, ang importante sinubukan
hindi ako galit
minsan nasasayangan lang talaga ako.
at pahabol
para kay jeri favis
wala lang to. parang "for the record"
salamat sa yo.
ang bading pero
ikaw na lang yung kumbaga nagpapa "hindi pareho" ng mga araw ko
yung mga usap sa caf habang kain
yun na lang talaga e
yun na nga lang ata yung mga oras na yung utak ko hindi nag-iisip tungkol sa school
yun na lang yung mga moment na nagsasalita nga ako e
the rest of the day nag-aaral lang ako nang tahimik
at dahil mulat na ako sa katotohanan ng mga mabilis na pagbabago ng buhay
for the record lang
salamat
alam ko hindi naman din tayo habambuhay kakain sa caf at mag-uusap ng kung ano ano
kaya nagpapasalamat nako habang nasa moment pa haha
now back to studying finance.
at sembreak.
bawat araw na lumilipas mas nararamdaman kita.
No comments:
Post a Comment