Sunday, January 4, 2009

ROMA

umalis ulit si daddy kanina
puntang europe for the business
2nd time niya tong umalis
and this time 3 weeks or more siya dun
dati 2 weeks lang

ewan.
iba yung feeling ngayon.
dati parang wala lang
pero ngayon
ewan
parang nalungkot din talaga ako kanina pag-alis niya
nung hinug ko siya
iba
mas sincere at mas mahigpit ngayon.
parang gusto ko siya umalis na ayaw.
gusto kasi alam ko namang naeenjoy niya yung business
at siyempre freedom konti sa bahay
pero ayaw dahil
ewan

ewan.
basta nalungkot ako kanina.
kahit papaano.
siguro dahil mas matagal siyang mawawala ngayon.
hinihintay na lang naman talaga ay yung working visa niya
para makastay siya ng matagal dun
dahil siyempre sayang pera pag pabalik-balk siya dito

pero naisip ko
nalungkot ako kasi takot ako e
takot ako na mangyari yung the usual
nasobrahan sa trabaho yung tatay na napabayaan na yung pamilya niya
well kahit papaano nangyayari na rin naman yun
dahil sa late niyang pag-uwi at kung ano man

pero eto
ibang bansa talaga e
at ramdam yung layo
hindi basta basta pwedeng tawagan
hindi niya ako agad mapupuntahan pag nabangga na naman ako dahil nagmaneho akong lasing

"ikaw muna bahala sa mga kapatid mo habang wala ako"
sinabi na naman niya sakin kanina
siyempre oo lang ako
kagaya ng mga dating beses na sinabihan niya ko nun
pero kanina parang iba talaga
parang unti-unti ko nang nararamdaman yung kaseryosohan ng bilin na yun

sa bagay
malapit na rin ang trabaho
papaaralin pa ang mga kapatid pag dating ng panahon

3 weeks or more.
sana lang talaga maging successful business niya.
para matuwa siya nang sobra.
sana kaming mga anak niya ay hindi matulad dun sa mga rebeldeng anak na napabayaan ng magulang.

No comments: