narealize ko na talagang bigla akong dumadaldal pag kasama at kausap kita
masaya kang kasama kasi lagi kang tumatawa sa mga hirit ko
kahit corny
kahit malabo
kahit pilit
pero kanina narealize ko rin
na talagang mas ok na kaibigan lang talaga
kasi nung summer na napaisip ako sayo
nagkaron ako ng expectations
bigla na lang akong naging maingat
bigla ko na lang iniisip lahat ng sasabihin ko sayo
at nung naging maingat ako
biglang hindi naging masaya
biglang corny na
kanina
narealize ko ulit bakit masaya kang kasama
kasi isa kang kaibigan na laging tumatawa.
2 comments:
Oh snap...Patrick, nabading na pala kita hahahaha.
ano?!?!?
nabading kelan?nung nba night?haha
Post a Comment