kanina rin may mga bagay na nangyari
basta na lang kung ano yung mga bagay na yun
basta yung mga nangyaring mga yun
nangyari na sila dati
hindi naman saktong-sakto
pero parang ganon na rin
parehong "pangyayari"
pero iba lang yung mga taong involved
pero anyway
ang punto ko lang naman ay
kanina naulit yung pangyayari
PERO
hindi naulit yung reaksyon ko
hindi ko na pinatulan yung pangyayari
hindi naging madali yung hindi pagpatol sa pangyayari
parang ang dali-dali na lang sanang mag-give in sa emotions
na magalit na lang at mainis at magtampo at mang-snob na naman ng mga tao
at hindi lang basta ng mga tao
kundi ng mga kaibigan
PERO
sabi ko nga
hindi ko pinatulan
as in nagself talk pako
sabi ko
"tangina pat.ano uulitin mo na naman ba yung dati?"
"ganito na lang ba palagi? hindi ka pa ba natututo?"
at pagkatapos ng pagmumuni-muni ko
sinagot ko yung mga katanungang iyan na gumambala sa puso't isipan ko
sinagot ko sila hindi sa pamamagitan ng pagsagot din gamit ng mga salitang walang katuturan
ng mga salitang sinasabi lang pero eventually nag-e-end up na hindi naman ginagawa
kundi
sinagot ko sila sa pamamagitan ng aksyon
hindi ko pinatulan
hindi ako nag-give in
NATUTO NAKO
narealize ko hindi talaga mawawala yung emotions
yung inis, o confusion, o yung watdafuck feeling
pero normal lang naman talaga siguro yun e
malamang kung hindi ka nakakaramdam ng ganon edi manhid ka na talaga
hindi ka na tao
normal lang mainis
ang importante
kung ano yung gagawin mo pagkatapos mo mainis
ang daming puwedeng gawin
ang daming puwedeng maging reaksyon
but at the end of it all
you can always do the right thing
at yun nga ang ginawa ko
ginawa ko ang tama
at masaya nagtapos yung araw ko dahil dun
why do we fall bruce? so that we could learn to pick ourselves up again. -tatay ni bruce wayne sa batman begins
we make mistakes for a reason. so that we could learn from them.
and i promised to myself
that i won't the same mistakes again
at masaya lang ako ngayon
IM SO PROUD OF MYSELF!
at good thing na to haha
kasi minsan lang ako maging proud sa sarili ko
at minsan ko lang din mahihiritan yung shadow ko ng
TANGINA MO haha
basta
no fear day + in your face feeling = happy, fulfilled, satisfied, grateful
2 comments:
"we make mistakes for a reason. so that we could learn from them."
Why do we fall sir? So we can learn to pull ourselves up...or something like that haha
lamborgini...alfred
Post a Comment