ang nerd peroexcited ako sa new lib
goal daw december next year magbubukas
tagal pa...
4th year 2nd sem na yun :|
graduate na halos yun.
shet
naaaliw ako e
tapos pinag-isipan ko bakit
kumbaga parang nung 1st year
bago yung matteo
tapos napamahal ako sa matteo
naging tambayan
maraming memorable na mga bagay ang nangyari sa lugar na yun
parehong masaya at masaklap
tapos unti-unti kong kinainisan yung matteo
dahil sa ibang tao
at hindi na rin ako makaaral dun
kaya lumipat ako sa lib
nung una "pantulog" lang talaga yung lib
hanggang sa tumagal
napamahal na rin ako sa lib
hindi ko namalayan na araw-araw lagi na lang akong nasa lib
minsan may kasama
madalas mag-isa
at naging sunod-sunod yung mga araw na umuuwi nako lib 2nd floor closing time (730)
minsan malungkot kung iisipin
pero nung tumagal nasanay din
at pakiramdam ko parang talagang naging teritoryo ko na yung lib
inangkin ko na siya
iniiwan ko na lang gamit ko dun
may cubicle table spot nako dun
at madalas natiyetiyempuhan ko yung saksakan para sa laptop ko
pakiramdam ko minsan dun nako nakatira
at hindi kumpleto yung araw na hindi ako pumapasok sa lib
hindi na talaga ako makakaaral kung hindi sa lib
kahit halos lahat ng classrooms ko ctc o som
sa lib ko pa rin iniiwan gamit ko at nag-aaral
natutuwa lang ako na magkakaron ng bagong lib kasi
natutuwa ako para sa lib
natutuwa ako na magkakaron siya ng bagong itsura
magiging mas malaki at mas hi tech na siya
magiging mas sobrang astig na talaga siya kaysa sa matteo (dapat!)
sabi sa guidon 5 floors daw yung new lib at eto ang magiging pinakamataas na building sa campus
bago mga computers lahat lahat
at magkakaron din ng mga group discussion rooms na siguro parang sa matteo
sa huli naisip ko
natutuwa ako para sa lib
na aasenso siya
pero siguro dahil umabot sa point na naassociate ko na rin yung lib sa sarili ko
parang natutuwa na rin ako para sakin
at naaaliw lang siguro talaga ako sa konsepto ng pagbabago nga
na nung 1st year bago yung matteo
tas next year bago naman yung new lib
kumbaga parang patunay yun na lumilipas talaga lahat
yung mga ibang freshman next year ang marahil gagawing tambayan naman ang new lib
habang ako at ang ibang mga 4th year next year ay kailangan namang maggraduate at maggive way sa mga bagong estudyanteng sisimulan pa lang ang kanilang life-changing college experience
there are places i remember
all my life
naaalala ko lagi tong beatles song nato pag nagrereflect ako tungkol sa mga lugar
ang mga lugar ay hindi lang mismo mga lugar
lahat sila may mga alaalang kaakibat
at yung mga alaalang yun ang dahilan kung bakit napapamahal sa'yo ang isang lugar
well wala naman talaga akong "masayang" alaala sa lib
malamang bawal mag-usap dun kaya wala naman talagang mga bonding bonding na nagaganap sa loob
pero sa tingin ko
maalala ko yung lib kasi
binago ako ng lib
marami akong mga bagay na natutunan dahil sa lib o dahil sa pag-aaral ko sa lib
at ang pinakaimportante na siguro sa lahat ng natutunan ko ay ang pagiging independent
tinuruan ako ng lib na huwag umasa sa iba masyado
at narealize ko rin na dati pala talaga
masyado akong nakasandal sa iba
hindi gumagalaw buhay ko dahil hinihintay ko gumalaw yung iba bago ako magdesisyon
ngayon kahit papano umaasa pa rin ako konti
pero pakiramdam ko sa dulo, medyo ako na talaga ang nasusunod sa buhay ko
at malamang dapat lang ganon.
at sa pagtatapos ng bagong lib sa susunod na taon.
parang matatapos din ang bagong ako.
na nahubog ng apat na taon ng kolehiyo.
december 2009.
sabay gusto at ayaw ko makitang tapos ang new lib.
sabay gusto kong makitang magbago ang lib at sabay ayaw ko munang maggraduate na at magtrabaho.
bakit ayaw maggraduate?dahil masaya ang college?
hindi siguro haha
marahil dahil takot lang talaga.
takot pang makipagsapalaran sa tunay na mundo.
pero malamang
lilipas din ang oras.
at darating at darating din ang bukas.
pagbabago.
paano na lang ang buhay kung wala nito.
2 comments:
"ano pake nila, teritoryo ko ito!" ---> reply mo sa akin habang nag-aalala ako sa ingay natin pagkatapos laitin si JAVIENS (:
HAHAHA oo teritoryo ko talaga yun
javiens reminiscing haha
matabang lumuluhod at umiiyak
Post a Comment