Tuesday, December 23, 2008

tuesday driving

kanina narealize ko
na hindi na kumpleto araw ko kung di ako nagdadrive

kahit pag may pasok naiisip ko minsan na
ang routine ng buhay ko
at kasama na doon yung pagdadrive mag-isa papuntang school at pauwi
at pakikinig ng music na malakas volume

naging parte na rin pala talaga ng buhay ko ang pagdadrive

hinahanap ko yung bilis
yung reckless driving paminsan
yung lamig ng hangin lalo na ngayong december
yung sarap ng pagkanta nang bigay na bigay

so far nagiging boring na ang xmas break kahit marami namang pwedeng magawa sa bahay
ayoko yung feeling ng pagiging stuck sa bahay
gusto ko sana lumabas pero for the past days may humihiram ng kotse
at walang naiiwan sa bahay

kaya kanina nung binalik yung kotse
sakto magsisimbanggabi din ako
nagdrive ako papuntang ateneo at sa gesu nagsimba

nabuo araw ko kahit papano

masarap magdrive.
may pangangailangan akong natutugunan ng pagdadrive na hindi ko mapaliwanag

nga lang hanggang automatic na lang yata kaya ko haha :/

oh well
24 na bukas at 24-28 mukhang puro party na
marahil hindi ko na mararamdaman ang boring sa mga susunod na araw

No comments: